FANDOM



("ALWAYS UNDER CONSTRUCTION ")

WELCOME! sa Filwota48 wikia, ang opisyal na wikia ng mga AKB48 Filipino Wotas.


Filwota48

Ang Filwota48 ay nag mula sa salitang "Filipino" at "Wota" , na ang ibig sabihin AKB48 Filipino Wotas. Ang Filwota48 ay ang una at ang orihinal na Filipino Fan Community para AKB48, ang pinaka sikat na japanese female idol group sa Japan! Dito puwedeng sumali ang kahit sino at magpost ng mga katanungan at mga inquiries. Sumali na sa ating opisyal na Facebook Fan Page, Opisyal na Tumblr at Opisyal na Forum. Makinig sa ating Filwota48 Radio at makipag chat sa mga Filipino AKB48 wotas sa buong Mundo gamit ang Filwota48 Chat.

(Pindutin ang litrato at buksan sa bagong tab para sa link)


AKB48

Akb4 full

AKB48

Ang AKB48 (hango sa Akiba, pinaikling pangalan ng Akihabara) ay isang grupo ng mga kababaihan na nagtatanghal sa isang teatro na nakabase sa Akihabara; isang likha ng prodyuser na si Akimoto Yasushi. Nagsimula ang nasabing grupo noong 2005 at kasuluk]uyang nasa ilalim ng King Records. Sila ay ang may hawak ng Guinness World Record bilang "world's largest pop group". Sa kasalukuyan, nahahati ang AKB48 sa apat na grupo: ang Team A, Team K, at Team B na may 16 miyembro bawat isa at ang Team 4 na may 11 miyembro. Simula Setyember 2, 2011, 59 na miyembro ang naitalang kabuuang bilang AKB48. Mayroon din mga Research Students , grupo ng mga nagsasanay pa lamang upang opisyal na mapabilang sa AKB48.









SKE48

Ske

SKE48 (2011)

Ang SKE48 (pinaikling Sakae48) ay isang all-female theater group na ginawa ng produsyer na si Akimoto Yasushi. Ang grupong ito ay nakabase sa lalawigan ng Nagoya distritong Sakae sa inayos na gusali ng Sunshine Sakae. Ang grupo ay nagsimulang magtanghal sa teatro noong Oktubre ng taong 2008. Sa ngayon, ang grupo ay binubuo ng Team S, Team KII, Team E, at Research Students na binubuo ng mga pamalit na miyembro.











NMB48

TEAM N AND M

NMB48 2012

Ang NMB48 (pinaikling Namba48), katulad ng AKB48, SKE48, at SDN48 ay isang all-female theater group na ginawa ng produsyer na si Akimoto Yasushi. Ang grupo ay naka-base sa lalawigan ng Osaka at matatagpuan ang kanila teatro sa distrito ng Namba sa basement ng gusaling Yes-Namba. Sa kasalukuyan, ang grupo ay binubuo ng Team N, Team M at mga Research Students na binubuo ng mga trainees na pamalit.








HKT48

20111114 hkt48 1-600x399

HKT48

Ang HKT48 , ang pinaka batang sister group ng AKB48, ay isang all-female theater group na ginawa ng produsyer na si Akimoto Yasushi. Ang teatro ng HKT48 ay matatagpuan sa Hawks Town Mall sa Chūō-ku, Fukuoka. Ang grupo ay mag de-debut sa katapusan ng 2011. Ang kanilang 1st Generation na mga miyembro ay inanunsyo noong Oktubre 23, 2011, na may 21 na mga miyembro.








SDN48

SDN48 2012

SDN48 2012

Ang SDN48 ay isang female theater-based idol group na produced ni Akimoto Yasushi at naka signed sa ilalaim ng Universal Music. Ang SDN48 ay kilala bilang mature version ng AKB48 na may mga miyembro sa edad na 20 at pataas, Sila ay nag pe perform din sa AKB48 theater throughout the week. Ang mga grupo ng kanilang mga miyembro ay nahahati sa 1st Generation , 2nd Generation at 3rd Generation . Silang lahat ay nakatakdang mag sipag tapos sa Marso 31, 2012.







LINKS

I Filwota48 Official Forum I Filwota48 Facebook Page I Filwota48 Tumblr I Filwota48 Radio I Filwota48 Chat I

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki