FANDOM


TEAM N AND M.jpg

NMB48 Team N at Team M 2012














Ang NMB48 (pinaikling NaMBa48), katulad ng AKB48 , SKE48 , at SDN48 ay isang all-female theater group na ginawa ng produsyer na si Akimoto Yasushi. Ang grupo ay naka-base sa lalawigan ng Osaka at matatagpuan ang kanila teatro sa distrito ng Namba sa basement ng gusaling Yes-Namba. Sa kasalukuyan, ang grupo ay binubuo ng Team N, Team M at mga Research Students na binubuo ng mga trainees na pamalit.

Kasaysayan

2010

Noong Hulyo 10, 2010, Inanunsyo ng AKB48 na magkakaroon sila ng panggalawang sister national group.

Ang NMB48 ay opisyal na naging aktibo noong Oktubre 9, 2010. Inanunsyo ni Akimoto Yasushi na ang grupo ay magkakaroon ng 26 na research student na bubuo sa first generation. Ang mga miyembro ay unang lumabas sa AKB48 Tokyo Autum Festival.

Si Yamauchi Ayaka ay umalis sa grupo noong Nobyembre 11, 2010 dahil sa hindi maganda ang kalusugan.

Noong Disyembre 4, 2010, Inanunsyo na ang grupo ay magsisimula ng kanilang pang araw araw na shows sa kanilang NMB48 Theater sa Namba sa Enero 1, 2011. Inanunsyo din na ang kanilang first stage ay ang revival ng 3rd Stage ng Team A ng AKB48 na pinamagatang 'Dareka no Tame ni' (For someone's sake).

{C}2011 {C}
NMB48.jpg

NMB48 2011

Noong araw ng bagong taon ng 2011, Pinerform ng NMB48 ang kanilang debut performance sa kanilang teatro. 16 lamang sa 25 na mga babae ang nagperform bilang Team N habang si Yamamoto Sayaka ang naging kapitan ng koponan.

Si Mori Ayaka ng Team N ay nagtapos noong Hunyo 25, 2011 at pinalitan ni Yamaguchi Yuuki bilang kaanib sa Team N.

Inilabas ng NMB48 ang kanilang debut single na Zetsumetsu Kurokami Shoujo noong Hulyo 20, 2011. Sa unanglinggo, ang kanilang single ay nakapag benta ng total ng 218,441 na kopya at naging pinaka mabentang single sa panglingguhang Oricon tsart para sa linggo ng ika 20 - 27 ng Hulyo 2011. Dahil dito ang NMB48 ang naging panggalawang girl group pagkatapos ng PASSPO na nakakuha ng numero 1 sa kanilang debut single.

Noong Agosto 2011, ang mga litrato ng miyembro. ng 2nd generation na si Shimada Rena kasama ang kanyang boyfriend ay lumabas sa internet dahil dito si Shimada ay nasuspede sa mga akitbidad para sa kabuang taon ng 2011 simula ng Setyembre 2011. Sumunod naman na nasuspende sila Yoshida Akari at Matsuda Shiori dahil sa isang di malinaw na kadahilanan at sila Yoshida, Kondo Rina at Watanabe Miyuki ay inalis sa preliminary senbatsu line up para sa second single ng NMB48, at pinalitan sila nila Yamaguchi Yuuki, Yamagishi Natsumi at Murakami Ayaka .

Inilabas naman noong Oktubre 19, 2011 ang panggalawang single ng NMB48 na pinamagatang Oh My God!. Kagaya ng una nilang single, ito ay naging numero 1 din sa panglingguhang Oricon tsart at nakapag benta ng total na 265,435 kopya sa unang linggo.

Sa katapusan ng Oricon single yearly charts ng taon, ang kanilang 2 single ay nagtapos ng #13 (Oh My God! ) at #18 (Zetsumetsu Kurokami Shoujo) sa ranking na kung saan sila ang naging pinaka mabentang female rookie girl group ng taon.

Noong Disyembre 7, 2011 inanunsyo na ilalabas sa Pebrero 8, 2012. Kasabay nito, inanunsyo din ang resulta ng fan votes para sa pagbabalik sa grupo ng mga na suspende na sina Matsuda Shiori at NMB48 KKS Shimada Rena.


2012 {C}
Team M members.jpeg

Team M 2012

{C}Noong Enero 3, 2012 inanunsyo na magkakaroon na ng Team M ang grupong NMB48. Si Shimada Rena ang napiling maging kapitan ng bagong koponan at ito ay naging opisyal noong Enero 26, 2012.

Noong Pebrero 8, 2012 inilabas ang kanilang 3rd single na Junjou U-19 na kung saan muling ibinalik sa line up ng senbatsu sina Watanabe Miyuki at Kondo Rina.

Ang single ay bumenta ng 280,367 sa unang araw at naging numero 1 sa pang linguhang Oricon Chart na bumenta ng 329,000 na kopya. Ito ay ang pangatlong sunod na #1 single ng grupo sa Oricon Chart, at na break ang 45 na taon na record sa Oricon Chart bilang ang unang female artist (kasama ang mga solo artist) na nakapag tala ng tatlong magkakasunod na number 1 single simula ng debut at nakapag benta ng lagpas 200,000 na kopya ng tatlong magkakasunod na single sa unang linggo. Sa kasalukuyan ang Junjou U-19 ay ang kanilang pinaka mabentang single simula ng kanilang debut.

Sa Mayo 9, 2012 nakatakdang ilabas ang kanilang 4th Single na pinamagatang Nagiichi (pinaikling Nagisa de ichiban kawaii GIRL!! o the cutest girl on the beach) na isang summer song at kagaya ng AKB48 Ponytail to Shushu.

Mga Miyembro

Team N

Team M

Kenkyuusei

Mga Singles

Petsa Pamagat
Hulyo 20, 2011 "Zetsumetsu Kurokami Shoujo" (「絶滅黒髪少女」)
Oktubre 19, 2011 "Oh My God!" (「オーマイガー!」)
Pebrero 8, 2012 "Junjou U-19" (純情Uー19)
Mayo 9, 2012 "Nagiichi" (ナギイチ)

Mga Stages

Petsa Pamagat ng Stage
Enero 1, 2011 - Mayo 16, 2011 Team N 1st Stage "Dareka no Tame ni" (「誰かのために」)
Mayo 19, 2011 - Kasalukuyan Team N 2nd Stage "Seishun Girls" (「青春ガールズ」)

Tignan din

AKB48

SKE48

SDN48


Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki