FANDOM


Mariko Shinoda
Shinoda mariko2012
Shinoda Mariko (2012)

Palayaw

Maririn (まり りん)

Kaarawan

Marso 11, 1986 (edad 25)

Pinagmulan

Maebaru, Fukuoka, Japan

Taon na aktibo

2006 - kasalukuyan

Mga Label

DefStar Records, King Records


Si Shinoda Mariko (筱 田 麻 里 子 ), ipinanganak noong Marso 11, 1986 sa Maebaru, Fukuoka ay isang aktres, modelo, at isa sa mga miyembro ng grupong AKB48. Siya ay kabilang sa Team A at isa rin sa mga kilalang miyembro ng grupo. Si Shinoda ang nananalo sa kagaganap lamang na Ikalawang Janken Taikai sa Nippon Budokan noong ika-20 ng Setymebre taong 2011, at siya ang magiging sentro sa ika-24 na single ng AKB48.

Bilang miyembro ng AKB48

Habang lahat ng miyembro na nakasali ng AKB48 ay dumaan sa mga audition, si Shinoda lamang ang bukod tanging nakasali na hindi dumaan dito. Siya ay nagta-trabaho bilang isang serbidora sa Cafe sa teatro ng AKB48. Ngunit noong araw ng audition, kailangan niyang magtrabaho sa Cafe, dahilan ng hindi niya pagkakasali sa naunang audition.[1] Kahit hindi siya miyembro ng AKB48 ng mga panahon na iyon, nanalo siya sa isang popularity contest na binoto ng mga tagahanga na pumupunta sa teatro. Nang malaman ito ng Akimoto, binigyan niya ng kondisyon ng makasali si Shinoda sa AKB48 kung maaalala niya ang 12 na kanta, kasama na ang choreagraphy nito, na tinatanghal ng grupo sa teatro sa loob ng 4 na araw. Noong Enero 22, 2006, pinayagan ni Akimoto si Shinoda Mariko na sumali sa grupo kahit hindi siya sumali ng audition[2]. Dahil din dito, hindi siya nasama sa DVD ng Team A na Team A 1st Stage - Party ga Hajimaru yo; ngunit siya naman ay lumabas sa PV ng single na "Skirt, Hirari", ang unang single na lumabas siya, hindi tulad ng ibang miyembro ng Team A na lumabas sa single na "Sakura no Hanabiratachi".

Hindi nagtagal, nakitaan siya ni Akimoto ng potensyal at lalo pa siyang humuhusay. Habang tila napili na ni Akimoto ang mga pangunahing miyembro na AKB48 - ang Sukahira Seven ng "Skirt, Hirari" - mukhang nagbago rin ang isip niya at tinulak si Shinoda bilang isa sa mga pangunahing miyembro ng grupo, kapalit si Narita Risa.

Si Shinoda ay isa sa mga miyembro na napapabilang sa Senbatsu, at lumalabas sa halos lahat ng single ng

AKB48. Ngunit sa unang pagkakataon, siya ang magiging sentro ng ika-24 na single ng grupo, dahilan ng pagkakapanalo niya sa ikalawang Janken Taikai noong ika-20 ng Setymebre taong 2011.

Halalan ng Senbatsu ng AKB48

  • Ikatlong puwesto sa Unang halalan ng Senbatsu, taong 2009
  • Ikatlong puwesto sa Ikalawang halalan ng Senbatsu, taong 2010
  • Ikaapat puwesto sa Ikatlong halalan ng Senbatsu, taong 2011

Discography

AKB48

Senbatsu
Side B na single

Stage Units:

Team A 1st Stage "PARTY ga Hajimaru yo"
Team A 2nd Stage "Aitakatta"
Team A 3rd Stage "Dareka no Tame ni"
Team A 4th Stage "Tadaima Renaichuu"
Himawari-gumi 1st Stage "Boku no Taiyou"
Himawari-gumi 2nd Stage "Yume wo Shinaseru Wake Ikanai")
Team A 5th Stage "Renai Kinshi Jourei"
Team A 6th Stage "Mokugekisha"

Kaganapan

Pelikula

Movies

Year Pamagat Gumanap Bilang
2011 Documentary of AKB48: To Be Continued Sarili
2011 Inu no Eiga (犬とあなたの物語 いぬのえいが) Sudo-san
2011 Gal Basara: Sengoku Jidai wa Kengai Desu (ギャルバサラ 戦国時代は圏外です)

Drama

Taon Pamagat Gumanap Bilang
2009 Love Game episode 11 Ruka
2009 Gine Sanfujinka no onna tachi Toda
2010 Majisuka Gakuen Sado
2011 Taisetsu na koto wa subete kimi ga oshiete kureta Sayaka Todo
2011 Sakura kara no tegami Mariko Shinoda
2011 Majisuka Gakuen 2 Sado


TV Show

Taon Pamagat Gumanap Bilang
2007 Faitenshon Depāto Sarili
2008 AKB 1:59 Sarili
2008 AKB 0:59 Sarili
2008 Gold House Sarili
2008–Kasalukuyan AKBingo! Sarili
2008–2009 AKB48 Nemousu TV Sarili
2008–2010 Jaikeru Makuson Sarili
2009–2010 Omoikkiri Pon! Sarili
2009–2011 Shukan AKB48 Sarili
2009–2011 Nobunaga Sarili
2010 AKB600sec. Sarili
2010- Uma Pro Sarili
2010- AKB to ××! Sarili
2011 Documentary of AKB48 Sarili
2011 Mariko-sama no Orikousama! Sarili

Mga Photobook

References

  1. インタビュー:AKB48「天然が多いんです」
  2. 本日1月22日18時公演よりAKB48に新メンバー篠田麻里子が入りました。

External links

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki