FANDOM


Yokoyama Yui
Yokoyama yui
Yokoyama Yui (2011)

Palayaw

Yui (ゆい)

Kaarawan

December 8th, 1992 (edad 18)

Pinagmulan

Kyoto, Japan

Taon na aktibo

2009 - kasalukuyan


Si Yokoyama Yui (横山由依), ipinanganak noong December 8th, 1992, ay isang 9th generation na miyembro ng AKB48. Siya ay opisyal na napabilang sa Team K noong October 10, 2010. Kabilang rin siya sa isang sub-unit ng AKB48 na Not Yet, kung saan kasama niya ang iba pang mga miyembro na sina Oshima Yuko, Kitahara Rie, at Sashihara Rino.






Simula ng Propesyon

Bago nag-audtion si Yokoyama upang maging miyembro ng AKB48, siya ay naunang sumubok para sa ikalawang audtion ng SKE48, na sa kasamaang palad, ay hindi siya natanggap. Subali nakapasa naman siya sa ika-6 na audition ng AKB48 para sa mga 9th generation na miyembro. Natanggap si Yokoyama bilang isa sa Research Students ng AKB48 noong Setyembre 20, 2009.


Bilang miyembro ng AKB48

Noong October 10, 2010, sa isang konsiyerto ng AKB48, binasa ni Takahashi Minami sa isang liham na inabot sa kanya sa entablado na opisyal na magiging miyembro si Yokoyama ng AKB48, at siya ay mapapabilang sa Team K.[1] Sa pagtatanghal naman ng AKB48 sa "AKB48 Request hour set list 100 best 2011", inanunsiyo na mapapabilang si Yokoyama sa bagong bubuuing sub-unit na "Not Yet.[2] Sa nakaraang ikatlong halalan ng senbatsu ng AKB48, nakuha ni Yokoyama ang ika-19 na puwesto na may 16,455 na bilang ng boto[3], at naitampok siya bilang isa sa mga miyembro na kasali sa single na Flying Get. Nakasama din siya sa mga aawit ng ika-23 na single ng AKB48 na Kaze wa Fuiteiru.

Discography

Senbatsu
Side B na single


Iba pang mga Single

Not yet

Stage Units

References

  1. AKB48東京秋祭りスペシャルBOX AKB-D2078
  2. Oricon (January 21, 2011)
  3. AKB48 22nd Single Senbatsu Elections

External Links

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki